NAKAUWI NA | Dalawang Filipino seamen na pinababa mula sa kanilang pinagtatrabahuhang barko sa Iran, nakabalik na ng bansa

Manila, Philippines – Naiuwi na sa bansa ng Philippine Embassy sa Tehran ang 2 Filipino seamen na na-stranded sa Iran.

Ayon sa ating embahada, dumating sa Iran sina Jerry Gabanzo at Miguel Estrella, Jr., crew members ng MV Blue Nile, noong Abril 1, makaraan silang i-offload o pababain sa kanilang pinagtatrabahuhang barko.

Pero nalaman ng Philippine Embassy sa Tehran ang nasabing insidente noon lamang Abril 16, makaraang tumawag ang isa sa mga asawa ng crew member at inilahad ang naging sitwasyon ng dalawang Pinoy.


Agad namang nagpadala ng kinatawan ang ating embahada na nagresulta sa pagpapauwi sa ating mga kababayan.

Ipinabatid din ng ating embahada sa manning agencies ng dalawang tripulante ang sinapit nila, kung saan hindi umano sila pinasusweldo at hindi rin ibinigay ng ship owner ang iba pa nilang benepisyo.

Facebook Comments