Manila, Philippines – Nakauwi na ng bansa kagabi si Philippine Ambassador to Kuwait Renato Villa.
Nabatid na idineklara si Villa ng Kuwaiti government na *‘Persona non grata’* dahil sa pagsagip sa mga distressed OFW.
Ayon kay Villa, karangalan niya na magsilbi bilang diplomat sa Kuwait sa loob ng tatlong taon.
Umaasa pa rin si Villa na maayos rin ang lahat sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.
Nanindigan si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na handa siyang magbibitiw sa pwesto.
Pero si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang tanging magpapa-alis sa kanya sa tungkulin.
Iginiit din ni Cayetano na walang nilabag na convention ang pilipinas sa pagsagip sa mga OFW.
Sa kabila nito, humihingi pa rin ng paumanhin si Cayetano sa Kuwait kung nalabag ang kanilang soberenya.