Manila, Philippines – Ipinagmalaki ng National Telecommunications Commission (NTC) na halos wala na silang natatanggap na reklamo ukol sa ‘nakaw load’.
Matatandaang Disyembre ng nakaraang taon, nilagdaan ang isang joint Memorandum Circular ng NTC, Department of Trade and Industry (DTI), at Department of Information and Communications Technology (DICT) na nagpapalawig sa validity ng prepaid load.
Ayon kay NTC Deputy Commissioner Edgardo Cabarrios – halos hindi na nag-e-expire ang load kung dadagdagan ito bago ang isang taong expiration.
Kasabay nito, magsisimula na sa susunod na taon ang operasyon ng Mislatel Consortium bilang ikatlong telecom player sa bansa.
Gagastos ang kumpanya ng 257 billion pesos sa loob ng limang taon para palakasin ang coverage nito.
Ayon kay Udenna Corporation Spokesperson Adel Tamano – kampante silang matutupad ang kanilang mga pangako.
Sa unang taon ng Mislatel, target nitong maabot ang 37% ng populasyon hanggang sa maabot ito ng 80% sa ikalimang taon.
37 mbps ang target na internet speed sa unang taon na tataas sa 56 mbps sa ikalawang taon.