NAKAWAN | Canteen ng isang eskwelahan sa Dagupan City, nilooban!

Dagupan City – Pera at mga paninda ang nawala sa loob ng Canteen ng Dagupan City National High School ng looban umano ito ng hindi pa nakikilalang suspek.

Madaling araw nang madiskubre ng canteen assistant ng paaralan ang kanilang puwesto na nawawalan ang P15,000 at ilang mga grocery items. Agad ipinagbigay alam ng security guard ng paaralan ang nasabing insidente at doon nadiskubre ng mga awtoridad ang isang kitchen knife, screw driver, grinder disks at isang panggapas na hinihinalang ginamit ng suspek upang makapasok sa loob ng canteen.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulisya sa nasabing insidente.


Ulat ni Crystal Aquino
Photo-credited to DCNHS Facebook

Facebook Comments