NAKAWAN SA HOTEL | Isa sa mga suspek na naloob sa hotel sa Pasay, nakilala na

Nakilala na ang isa sa apat na suspek na nanloob sa isang hotel sa Pasay noong linggo.

Aabot umano sa apat na milyong halaga ng salapi at gamit sa hotel ang tinangay ng mga nasabing suspek.

Ayon kay National Capital Region Police Office Director Oscar Albayalde – kinilala mismo ng guwardiya ng hotel ang suspek.


Hindi muna pinangalanan ni Albayalde ang suspek pero tiniyak niyang tinututukan ito ng mga otoridad.

Samantala, nilinaw naman ng opisyal na ibang suspek ang may pakana ng pagnanakaw sa isang gotohan sa Paranaque noong linggo rin.

Isa sa apat na suspek na rin aniya ang nahuli ng awtoridad.

Facebook Comments