NAKAWAN SA SILLAWIT, NASUGPO NA

CAUAYAN CITY- Hindi na muling nakapagtala ng anumang insidente ng nakawan ang pamunuan ng Brgy. Sillawit, Cauayan City, Isabela sa loob ng nakaraang buwan.

Sa panayam ng IFM News Team kay Brgy. Kagawad Romualdo Cuagdan Jr., matapos ang serye ng nakawan sa kanilang lugar ay ipinatawag ng kanilang pamunuan ang mga menor de edad na sangkot sa krimen kasama ang kanilang mga magulang maging ang mga biktima ng mga ito.

Aniya, pawang mga estudyante at nasa edad 12-13 ang apat na batang sangkot sa naturang insidente.


Dagdag pa niya, magmula nang magkaroon ng pag-uusap sa Barangay ay hindi na muling naulit pa ang krimen na ito ngunit patuloy pa rin ang pagro-ronda ng mga barangay tanod upang masiguro na hindi muli makakapagtala ng nakawan.

Facebook Comments