Capiz – Wala ng buhay ng matagpuan ang 20-anyos na binata matapos matamaan ng kidlat sa bayan ng Dumarao, Capiz.
Kinilala ang biktima na si Frejemae Clarin na residente ng Barangay Astorga.
Sa ulat, sumisilong sa lilim ng puno ng mahogany ang biktima dahil sa malakas na buhos ng ulan nang tamaan ng kidlat.
Napag-alamanng makikisilong din sana ang kasamang pinsan ng biktima ngunit biglang kumulog at kumidlat hanggang sa makita na lamang ang biktima na nakahiga, maraming paso sa katawan at hindi na humihinga.
Facebook Comments