NAKIISA | National World Egg day, suportado ng DOH

33

Manila, Philippines – Nakiisa ang Department of Health (DOH) sa selebrasyon ng National World Egg Day sa pamamagitan ng fun run na may temang “Eatlog Run” sa Lungsod ng Pasay.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, mahalaga ang pagkonsumo ng isang itlog sa bawat araw dahil mahalagang pinanggagalingan ito ng protina, iba pang bitamina at minerals na mahalaga sa kalusugan.

Kasama ng DOH ang National Nutrition Council at iba pang ahensiya ng pamaalaan sa nasabing fun run na ang layon ay maipabatid sa publiko na ang pagkain ng isang itlog araw-araw ay malaki ang magagawa sa pangangailan sa nutrisyon at sa pagpapalakas ng katawan, memorya at utak.

Bahagi ng kita sa nabanggit na fun run ay ihahandog sa AFP Educational Benefit System Office, Save the Children, at sa mga mag-aaral ng Sagbayan Bohol Elementary School.

Facebook Comments