NAKIKIISA | Malacañang kaisa sa pag-alala sa anibersaryo ng pananalasa ng bagyong Yolanda

Nakikiisa ang Palasyo ng Malacañang sa paggunita sa anibersaryo ng pananalasa ng bagyong Yolanda na kumitil sa buhay ng marami nating mga kababayan.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, kinikilala ng Malacañang ang sakripisyo at suporta ng mga nanguna sa pagtulong sa mga nasalanta pagi na ang ibang nga bansa at mga Non-Government Organizations (NGO) na tumulong sa mga biktima ng bagyo.

Kinikilala din aniya ng Pamahalaan ang pagiging resilient o pahiging matatag ng mga Pilipino na humarap sa matinding pagsubok noong panahon na iyon.


Sinabi ni Panelo na maraming natutunang aral ang pamahalaan sa public service nang tumama ang bagyong Yolanda sa bansa, at ito ang pagresponde sa mga nangangailangan ng mas mabilis at may pagkalinga.

Ito aniya ang dahilan kung bakit ginagawa ng administrasyong Duterte ang lahat para matapos na ang rehabilitation efforts ng Pamahalaan sa mga Yolanda survivors.

Sa ngayon aniya ay as of 2017 ay umabot na sa mahigit 146 billion pesos ang nailalabas ng pamahalaan para matulungan ang mga nabiktima ng bagyo at kalahati aniya nito ay nakalaan para sa housing programs.

Ibinida pa ni Panelo na umabot na sa mahigit 100,000 permanent housing units ang naitayo ng pamahalaan as of October ngayong taon at kailangan pa ng mahigit 100,000 para makumpleto ang proyekto at pinamamadali na ito.

Umapela naman si Panelo sa lahat na magkaisa para mabawasan ang banta ng climate change sa bansa at makamit ang disaster adaptive and resilient na Pilipinas.

Facebook Comments