NAKIKIPAG-SABWATAN? | Malacañang – kumbinsidong may ilang miyembro pa rin ng LP ang nakikipag-ugnayan sa CPP-NPA para mapatalsik si Duterte

Manila, Philippines – Kumbinsido pa rin ang Malacañang na may ilang miyembro ng partido liberal ang sikretong nakikipag-ugnayan sa CPP – NPA kaugnay ng “red october” plot.

Ito ay kahit nilinis na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang LP sa nasabing planong destabilisasyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa press briefing sa Malacañang kanina, inihalimbawa ni Presidential Spokerperson Harry Roque ang naging pahayag ni Senador Antonio Trillanes na gusto niyang mapatalsik ang Pangulo.


Kasabay nito, tiniyak ni Roque na “in control” ang pamahalaan at hindi nito hahayaang magtagumpay ang CPP-NPA sa kanilang plano.

Aniya, hindi kakagatin ng pangulo ang “Red October” plot para magdeklara siya ng Nationwide Martial Law.

Matatandaang sa pagdinig ng Senado kanina, sinabi ni AFP Chief-of-Staff General Carlito Galvez Jr. na ginagamit ng CPP-NPA ang “red october” para mapilitang magdeklara ng Martial Law ang Pangulo na mag-uudyok naman sa taumbayan na patalsikin siya sa pwesto.

Facebook Comments