Iniulat ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na higit sa 2,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Asia at Middle East ang naging benepisyaryo ng onsite assessment program ng ahensya magmula ng ito ay ilunsad nuong 2014.
Sa datos ng TESDA kabuuang 2,475 na ang nakinabang sa OAP at halos 2,000 na ang nabigyan ng national certificate o certificate of competency.
Layon ng OAP na pagandahin pa ang kabuhayan ng ating mga OFWs maging sila man ay empleyado o entrepreneurs sa pamamagitan ng TESDA certifications.
Kabilang ang Hong Kong, Singapore, Dubai, Abu Dhabi, Jeddah at Riyadh sa mga bansang nagkaroon na ng onsite assessments ang TESDA.
Habang plano din nilang magtungo sa Malaysia, Qatar at Jordan.
Kabilang ang mga kursong cookery, health care services, caregiving, bread and pastry production ang patok sa mga OFWs na karamihan ay mga babae at pawang mga household service workers.