NAKIPAG-ALYANSA | Suspek sa pagpapasabog sa bus station sa New York, konektado sa ISIS

World – Inamin ng naarestong suspek sa pagpapasabog sa bus station sa New York na nakipag-alyansa siya sa ISIS terrorist group.
Giit ng suspek na si Akayed Ullah – bukod sa pagsanib sa ISIS, galit din daw siya kay US President Donald Trump dahil sa desisyon niyang kilalanin ang Jerusalem bilang kapital ng Israel.
Tiniyak naman ng konsulada ng Pilipinas sa New York na walang Pilipinong nadamay sa pagsabog.
Pinayuhan din ng konsulada ang mga Pinoy na iwasan muna ang lugar habang nagpapatuloy ang clearing operation.
Iniimbestigahan na rin ng mga otoridad kung may mga kasabwat ang suspek sa insidente.

Facebook Comments