NAKIPAGHABULAN | Isang pulis, sugatan sa buy bust operation sa Gen San

General Santos City – Sugatan ang isang pulis matapos mabaril sa isinagawang buy-bust operation sa Gen San.

Kinilala ang pulis na si PO1 Butch Balatayo, na tinamaan sa kaniyang likod.

Sa ulat, nakipaghabulan at nakipagbarilan ang drug pusher na si Malik Saddam Noor nang malaman na pulis ang naka-transaksiyon niya.


Nasakote naman ang suspek sa harapan ng Saway Elementary school, barangay labangal kung saan kasalukuyang nagpapagaling sa ospital ang nabaril na pulis na si Balatayo.

Facebook Comments