Manila, Philippines – Nakikiramay ang hanay ng Armed Forces of the Philippines sa pamilya at kaibigan ni dating Congressman at National Security Adviser Roilo Golez na pumanaw na kaninang umaga.
Sa official statement na inilabas ng AFP sa pamamagitan ni AFP Spokesperson Col Edgard Arevalo inalala nila ang naging kontribusyon ng opisyal bilang dating Philippine Navy Officer.
Maging ang mga naambag nito sa Military history at strategy at sa National Security at Geopolitics.
Si Golez ay isa sa matatapang na opisyal ng gobyerno na nagpahayag ng mga karapatang patungkol sa mga pinagaagawang isla sa West Philippine Sea.
Si Golez ay nagtapos sa US Naval Academy/
Facebook Comments