Manila, Philippine – Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamilya ng dalawang Pilipino Nurse na namatay sa isang aksidente sa Australia.
Ayon kay Philippine Ambassador to Canberra Minda Cruz – namatay ang dalawa nang sumalpok ang sinasakyan nilang S-U-V sa isa pang sasakyan.
Papunta sana ang dalawang Pilipino sa melbourne para dumalo sa anniversary event ng El Shaddai movement.
Handa ang dfa na tumulong sa pamilya ng mga biktima.
Patuloy na iniimbestigahan ng dahilan ng banggaan.
Facebook Comments