NAKIRAMAY | DFA tiniyak na maibibigay ang hustisya sa Pinay na sinaksak sa Japan

172

Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamilya ng 48 taong gulang na Filipina na namatay sa saksak sa Japan.

Ang hindi na pinangalanang Pinay ay nasaksak noong Huwebes at nasawi kinabukasan.

Tiniyak naman ni Ambassador to Japan Jose Laurel sa naulilang pamilya nito na ibibigay ang hustisya sa ating nasawing kababayan.

Sinabi pa nito na tuloy ang koordinasyon at kooperasyon ng ating Embahada sa Japanese Police Authorities para sa development sa kaso ng biktima.

Sa ngayon hawak na ng mga otoridad sa Japan ang suspek.

Facebook Comments