NAKIRAMAY | DOT nagdadalamhati sa pagkasawi ng isang bata na nagbakasyon lamang sa Caramoan

Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Tourism (DOT) sa pamilya ni Gaia Trimarchi, ang 7-taong gulang na batang babae na namatay sa jellyfish sting habang nagbabakasyon sa Caramoan, Camarines Sur.

Inatasan ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang ahensya na ibigay ang anumang posibleng tulong na maaaring kailanganin ng pamilya ng biktima.

Ang kagawaran ay nag isyu na rin ng advisory sa lahat ng stakeholder sa rehiyon, na maghanap ng mas matatag na hakbang upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga turista sa lugar.


Si Trimarchi, isang Filipino-Italian, ay nagsu-swimming sa mababaw na bahagi ng Sabitang Laya Island, ang last stop ng kanilang Caramoan island-hopping tour, nang marinig ng ina na umiiyak ang bata sa sakit, nang makuha ito ng kanyang pamilya, ang bahagi ng hita ng bata ay nag kulay violet na.

Si Trimarchi ay idineklarang dead on arrival sa Caramoan Municipal Hospital.

Facebook Comments