Nagparating na ng pakikiramay ang Malacañang sa sinapit ng mga biktima ng landslide sa Barangay Tinaan, Naga City, Cebu.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque Jr, ipagpapatuloy ng gobyerno ang isinasagawang rescue operations sa lugar.
Paglilinaw naman ni Chito Maniago, kinatawan ng Apo Land and Quarry Corporation, may mining rights sila sa lugar na pinangyarihan ng pagguho pero hindi pa sila nagsisimula sa pagmimina.
Tiniyak rin ni Maniago na tutulungan ng Apo Land and Quarry Corporation ang mga biktima.
Nangako na rin ang provincial government ng Cebu na magbibigay ng ayuda sa mga lumikas na residenteng naapektuhan ng landslide.
Iniimbestigahan na rin ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ang pinangyarihan ng pagguho na dati na raw natukoy na landslide-prone area.