Manila, Philippines – Nagpaabot ng pakikiramay ang Malacañang sa pamilya ng namayapang si dating senador na si Edardo Angara.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, isa sa mga naging ‘great leader’ ng bansa si Angara na yumao sa edad na 83 matapos atakihin sa puso.
Aniya, malaki ang naging papel ni angara sa nation-building ng Pilipinas at mananatili itong nakaukit sa kasaysayan ng politika ng bansa.
Maliban sa pagiging senador, si Angara ay nanilbihan rin bilang executive secretary at agriculture secretary noon panahon ng administrasyong Estrada at naging special envoy sa European Union sa ilalim ng Duterte Administration.
Facebook Comments