NAKIRAMAY | Ombudsman Conchita Carpio–Morales, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng napatay na assistant special prosecutor

Manila, Philippines – Nagpaabot ng pakikiramay si Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa pamilya ng napaslang na si Atty. Madonna Joy Tanyag, Assistant Special Prosecutor ng Office of the Ombudsman na limang buwang buntis.

Kasabay nito, hiningi rin ni Morales ang tulong ng Philippine National Police para sa agarang paghuli sa pumatay kay Tanyag at maresolba ang kaso.

Sa ngayon ay hawak na ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang person of interest sa pagpatay ni Tanyag.


Ayon kay QCPD Director Police Chief Superintendent Joselito Esquivel, pagnanakaw ang isa sa tinitignan nilang angulo sa krimen dahil nawala ang cellphone at wallet ng biktima.

Pero kinokonsidera pa rin aniya nila ang anggulo work related dahil maraming hawak na kasong katiwalian sa gobyerno si Tanyag.

Matatandaang tatlong saksak ang tinamo ng biktima na nagresulta sa kanyang pagkamatay.

Facebook Comments