Manila, Philippines – Nakiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya ni PO3 Wilfredo Gueta, miyembro ng Pasig City-PNP na napatay sa isinagawang operasyon kontra iligal na droga.
Sa kaniyang pagdalaw sa burol ni Gueta, bibigyan ng Pangulo ng financial assistance, education assistance ang tatlong naiwang anak nito at bahay para sa kaniyang pamilya.
Kasabay nito, muling pinagbantaan ng Pangulo ang mga nasa likod ng iligal na droga sa bansa.
Itinanggi naman ng Pangulo na may kinalaman siya sa pagkakasibak kay Navy Flag Officer In Command Vice Admiral Ronald Joseph Mercado.
Nabatid na ang pagkakatanggal kay Mercado ay kasunod sa kontrobersiyal na pagbili ng AFP ng weapons system na bahagi ng Philippine Navy’s Frigate Acquisition Program.
Facebook Comments