WAR ON DRUGS | PNP, nakapagsumite na sa Korte Suprema ng mga dokumento ukol sa kampanya kontra ilegal na droga

Manila, Philippines – Naisumite na ng Philippine National Police (PNP) sa Korte Suprema ang mga kinakailangang dokumento ukol sa kampanya kontra ilegal na droga.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, tambak na mga dokumento ang nai-turn over na sa Office of the Solicitor General (OSG) bilang pagtupad sa kautusan ng Kataas-Taasang Hukuman.

Nabatid na nag-ugat ang kautusan ng Korte Suprema mula sa mga petisyon na kumukwestyon sa legalidad ng war on drugs.


Mula nang inilunsad ang kampanya nitong Hulyo 2016 ay umabot sa higit 4,200 ang namatay.

Hiwalay pa ito sa 23,000 na pagpatay na isinagawa ng mga vigilante groups.

Facebook Comments