Manila, Philippines – Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa Vietnam kasunod ng pagkamatay ng kanilang pinuno na si President Tran Dai Quang.
Inalala pa ng Pangulo ang mainit at mabuting pakikitungo sa kanya ni Quang sa unang official visit niya sa Vietnam noong 2016 at nang i-host ng Vietnam ang APEC Summit noong 2017.
Si Vietnamese President Quang ay sumakabilang-buhay sa edad na 61 noong Biyernes dahil sa karamdaman.
Facebook Comments