NAKIRAMAY | PRRD, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi sa hagupit ng Ompong

Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Ompong.

Ayon sa Pangulo, hindi niya maipaliwanag ang sinasabi ng marami na kagustuhan ng Diyos ang mga ganitong sitwasyon kaya hindi ito kontrolado ng tao.

Pero mabuti aniya ay naging maagap ang pagkilos ng Office of the Civil Defense (OCD) bago pa man nag-landfall ang bagyo.


Kasabay nito, inatasan rin ng Pangulo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na magtayo ng mga gymnasium para magamit bilang mga evacuation facility sa panahon ng kalamidad.

Aniya, nais niyang maiwasan ang paggamit ng mga pasilidad ng paaralan bilang mga evacuation center dahil madalas itong nagreresulta sa suspensyon ng mga klase.

Facebook Comments