NAKIRAMAY | Publiko, nagbigay pugay sa paghahatid sa huling hantungan sa Pinay OFW na si Joanna Demafelis

Iloilo – Halos buong Iloilo ang nakiramay sa paghahatid kay Joanna Daniela Demafelis, ang Pinay worker na pinatay ng kaniyang mga amo sa Kuwait sa kanyang huling hantungan.

Lahat nang madadaanan ng karo sa prusisyon papuntang sementeryo ay humihinto, lumalabas ng bahay at nagbibigay ng pugay kay Joanna.

Napuno rin ng puting bulaklak at lobo ang karo ng Pinay OFW.


Bago rito ay isang misa ang isinagawa at binigyan ng pagkakataon ang pamilya na makapagpasalamat.

Una rito, bumuhos ang pamilya at mga kababayan sa huling gabi ng lamay ni Demafelis.

Ayon sa tiyuhin ni Joanna na si Barangay Kagawad Pablo Demafelis, naibsan ang lungkot na kanilang nararamdaman dahil sa dami ng kanilang kamag-anak at mga kababayan sa Sara na nakiramay.

Facebook Comments