Nahuli ng mga tauhan ng Palawan Council for Sustainable Development o PCSD katuwang ang PNP Maritime Group at Philippine Coast Guard ang isang labing limang talampakang haba ng buwaya sa Balabac, Palawan.
Ayon kay PNP MIMAROPA Spokesperson Police Supt. Imelda Tolentino ang buwayang ito ay kumpirmadong pumatay sa isang 33-anyos na lalaki noong November 27, 2018.
Kinilala ang biktima na si Cornelio Sarcedo Bonete alyas Boboy na natagpuang wala ng mga braso at paa ang bangkay.
Sa inisyal na ulat ng PNP Balabac alas-3:00 ng madaling araw noong November 27 nang mangyari ang insidente.
Nangingisda ang biktima sa Municipal Water ng Balabac, sa Barangay Poblacion 5 nang biglang atakihin ng buwaya.
Narinig pa raw ng mga tao sa lugar ang paghingi ng tulong ng biktima pero hindi agad natukoy ng mga ito kung saan nanggaling ang boses.
Sinabi pa ni Supt. Imelda na ang nahuling buwaya ay may bigat na halos 500 kilos at may edad na 50 years old.
Kanina ay ibinayahe na ang buwaya para dalhin sa crocodile farm sa Puerto Promcesa City Palawan.