Nakitang deficiencies ng COA sa COVID-19 response ng DOH, imposible – Pangulong Duterte

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na kakulangan lamang sa mga papeles ang nakitang P67.3 bilyon deficiencies ng Commission on Audit (COA) sa COVID-19 response ng Department of Health (DOH).

Sa ginanap na Talk to the Nation ng Pangulo kagabi, sinabi nito na imposibleng ninakaw ang P67.3 billion na para sana sa kampanya ng gobyerno laban sa COVID-19.

May nagaganap kasi aniyang proyekto ang gobyerno kung saan mayroong mga papel na hindi masyadong kumpleto sa paperwork.


Pinayuhan naman ng Pangulo ang COA na huwag munang gumawa ng mga alegasyon hangga’t hindi pa nanatapos ang pandemyang nararanasan ng bansa.

Facebook Comments