Nakitang impeach kay VP Sara sa bolang kristal ni Atty. Harry Roque, pinabulaanan ng ilang kongresista

Ibinasura ng ilang kongresista ang nakita ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque sa kanyang bolang kristal na mayroong nilulutong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Taguig City 2nd District Rep. Amparo Maria “Pammy” Zamora, mali ang bolang kristal ni Roque dahil walang pinag-uusapang ganitong plano sa Kamara laban kay VP Sara na hindi rin naman nadadawit sa ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.

Tugon pa ni Zamora, sa kanya namang bolang kristal, ay nakikita niya na sama-samang magtatrabaho ang gobyerno at mga Pilipino.


Diin naman ni La Union 1st District Rep. Francisco Paolo Ortega V, ang Kamara ay nakatuon lamang sa facts o mga detaye ng mga usapin at hind kasama ang pagpapatalsik sa ikalawang pangulo.

Bagama’t walang planong impeachment laban kay VP Sara ay aminado naman si Ako Bicol Party-list Rep. Jil Bongalon na hindi niya ikagugulat kung mayroong maghain nito.

Facebook Comments