NAKITANG PALUTANG-LUTANG | P4-B halaga ng cocaine, inanod at natagpuan sa Divilacan, Isabela

Divilacan, Isabela – Tinatayang apat na bilyong halaga ng cocaine na-rekober ng mga mangingisda sa coastal town ng Divilacan, Isabela.

Narekober ng mga mangingisda sa bayan ng Divilacan, Isabela, ang isang styrofoam na naglalaman ng pinaniniwalaang cocaine.

Natagpuan itong palutang lutang ng mga mangingisda sa gitna ng dagat.


Nakalagay ang nasabing droga sa 8 plastic na binalot na packaging tape.

Tinataya itong nagkakahalaga ng 4 na bilyong piso.

Ayon kay Mayor Venturito Bulan ng Divilacan, nakatakdang ilabas ngayong araw sa Divilacan ang naturang kontrabando at dadalhin sa panlalawigang tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.
Patuloy pa ring inaalam kung sino ang nag mamay-ari sa nasabing mga droga.

Facebook Comments