NAKIUSAP | DA, humiling ng dagdag na plantilla positions para sa mga contractual employees

Manila, Philippines – Nakiusap si Agriculture Sec. Manny Piñol sa mga kongresista na tulungan silang dagdagan ang plantilla positions partikular na sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ayon kay Piñol, labing isang libong mga kawani ng ahensya ang pawang contractual kung saan pinakamalaki dito ang sa BFAR na aabot sa halos limang libong contractual employees.

Marami umano sa mga contractual sa BFAR ay mga scientists na sumasakay ng barko ng BFAR para mag-ikot sa karagatang sakop ng teritoryo ng bansa.


Sa talaan ng DA, mayroon pang 1,744 plantilla positions pa ito na hindi napupunan sa kasalukuyan habang walong libong plantilla positions naman ang may nakaposisyon na at mahigit isang libo naman ang nasa co-terminus positions.

Facebook Comments