NAKIUSAP | MMDA, may apela sa mga driver na bumabiyahe na walang sakay

Manila, Philippines – Nakiusap si MMDA General Manager Jojo Garcia sa publiko partikular na doon sa mga tao na tutol sa ipapatupad na bagong Polisiya ng MMDA na nagbabawal sa mga private vehicles na bumiyahe sa Edsa ng walang pasahero o walang sakay maliban sa driver.

Sa isinagawang Clearing Operation sa Abad Santos Street Tondo Manila sinabi ni Garcia na dapat ay sumunod na lamang ang publiko sa naturang polisiya dahil ito ay pinagbotohan naman ng lahat ng Mayor ng Lungsod sa Metro Manila.

Giit ng opisyal huwag ng magtangka pang sumuway sa bagong polisiya o mag isip na gumawa ng palusot dahil ang layon naman ng Metro Manila Council ay maging maayos ang biyahe ng lahat.


Dagdag pa ni Garcia ito ang dahilan kung bakit patuloy ang kanilang ginagawang clearing operation sa ibat ibang Lungsod kung saan sinampolan nga nila ang isang Brgy sa may Abad Santos Maynila na kanilang giniba dahil nasa sidewalk.

Paliwanag ng opisyal layon nito na mapaluwag ang mga Secondary Road na siya namang magiging alernatibobg daanan ng mga motorista na walang kasamang bumiyahe.

Kasabay nito ay sinabi ni Garcia na pinag-uusapan na nila ang magiging Guidelines sa nasabing Polisya at inaasahan ipapatupad na ito sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments