NAKIUSAP | Pangulong Duterte, umapela na huwag gamitin ang misa para batikusin ang kaniyang administrasyon

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na mayroong isang apela si Pangulong Rodrigo Duterte kay Catholic Bishops Conference of the Philippines President Davao Archbishop Romulo Valles nang magkaharap ang dalawa sa isang one-on-one meeting sa Malacañang kahapon.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, sa naganap na pulong ng dalawa ay si Pangulong Duterte ang madalas na nagsasalita at nakikinig lamang si Archbishop Valles sa mga sinasabi ng Pangulo.

Pero mayroon aniyang apela o pakiusap si Pangulong Duterte kay Valles at ito ay huwag sanang gamitin ng mga pari ang pulpito para batikusin ang kanyang administrasyon.


Sinabi ni Roque na tanggap naman ng Pangulo ang mga batikos ng mga ordinaryong Pilipino pero kung maaari aniya ay huwag galing sa pulpito o galing mismo sa simbahan ang mga pambabatikos.

Facebook Comments