NAKIUSAP | PNP nakiusap sa publiko na tigilan ang pagpuna sa kanilang hanay

Manila, Philippines – Nakikiiusap si Philippine National Police (PNP) Chief Police Director General Oscar Albayalde sa publiko na tigilan ang pagpuna sa hanay ng pambansang pulisya dahil sa nagaganap na patayan sa bansa.

Sa halip pagpuna ayon sa opisyal ay pakiusap nito makipagtulungan ang publiko sa PNP upang maresolba ang problema sa krimen.

Paliwanag ni Albayalde bagaman at isolated cases ang mga patayang ito ay hindi aniya ito isinasawalang bahala ng PNP dahil puspusan ang kanilang pagta-trabaho upang maresolba ang bawat kaso ng pagpatay.


Wala rin aniya silang pinipiling kaso para tutukan mapa elected officials, ordinaryong indibidwal, VIP o foreigner man ang biktima.

Matatandaang simula nang nakalipas na linggo hanggang kagabi ay apat na local chief executives na ang napatay sa pamamaril bukod pa sa mga namamatay sa mga ikinakasang operasyon ng PNP.

Facebook Comments