Manila, Philippines – Lumiham sa Korte Suprema ang mga botante mula sa Camarines Sur na taga-suporta ni VP Leni Robredo.
Ito ay para ikonsidera raw ng Presidential Electoral Tribunal ang 25% na threshold na shade sa mga balota noong 2016 Vice presidential race.
Sa naturang sulat, sinabi ng mga ito na kung hindi ibababa ng Presidential Electoral Tribunal o PET sa 25-porsyento ang threshold ng mga botong ay mistulang bina-balewala nito ang kanilang mga boto.
Kalakip ng liham ng Robredo supporters ang nakalap nilang 10,000 lagda na sumusuporta sa hirit ng kampo ng Bise Presidente.
Facebook Comments