Nakolektang buwis ng BIR at BOC, umabot sa P1.8 trillion – DOF

Umabot sa ₱1.82 trillion ang nakolektang buwis ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) mula Enero hanggang katapusan ng Setyembre.

Ito ang inihayag ni Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez sa pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF), Lunes ng gabi.

Ayon kay Dominguez, ang kabuuang koleksyon ay nahigitan ang estimate na ₱1.68 trillion, pero bumaba ng 12% kumpara noong nakaraang taon bunga ng mahinang economic activities.


Dagdag pa ng kalihim na 70% ng mga utang ng gobyerno ay mula sa local lenders habang 30% ay mula abroad.

Nakapagkolekta rin ang pamahalaan ng ₱130 billion na dibidendo mula sa state-owned companies.

Pero sinabi ni Dominguez na nasa good financial position ang Pilipinas.

Nabatid na ang utang ng Pilipinas ay umabot na sa ₱9.05 trillion nitong Hunyo.

Facebook Comments