Umabot na sa higit 97 bilyong pisong buwis mula sa pag-import ng gasolina, diesel at kerosene ang nakolekta ng Bureau of Customs (BOC) sa pamamagitan ng Fuel Marking Program.
Ayon sa BOC, nagsimula ang programa nitong Setyembre 2019 at nagpapatuloy hanggang sa kasagsagan ng community quarantine bunsod ng COVID-19.
Nasa 20 kompanya ang lumahok sa nasabing programa kabilang ang Petron, Shell at Unioil kung saan ang mga ito ang may pinakamataas na dami ng “marked fuel” na umabot sa 2.5 bilyon, 2.26 bilyon, at 1.14 bilyong litro.
Facebook Comments