Nakolektang langis mula sa MT Terra Nova, halos 1.3 milyong litro na —PCG

Umabot na sa 1,296,069 milyong litro ng industrial oil ang nakolekta mula sa lumubog na MT Terra Nova sa Limay, Bataan.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) nasa 52,355 litro ang nahigop na langis mula sa barko sa pagpapatuloy ng kanilang operasyon noong Sabado matapos itong maantala ng ilang araw dahil sa Bagyong Enteng at habagat.

Nasa 1.4 milyong litro ng langis ang karga ng MT Terra Nova nang maaksidente ito sa kasagsagan ng Bagyong Carina noong Hulyo.


Facebook Comments