Nakolektang langis sa MT Terranova, umabot na sa mahigit 800,000 litro – PCG

Nakuhang maabot ng salvor para sa lumubog na MT Terranova ang target nito na makahigop ng 200,000 litrong langis kada araw.

Sa kabila ng buhos ng pag-ulan, umabot sa 232,187 liters ang nakolekta sa siphoning operations hanggang alas-8:30 ng gabi.

August 19 naman ng simulan magsagawa ng siphon test, pumalo na sa 806,254 liters ang nahigop na langis.


Nauna namang sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na posibleng lumagpas sa 1.4 million liters ng industrial fuel oil ang makolekta dahil sa nahahaluan ito ng tubig-dagat.

Habang hinihigop kasi ang langis mula sa cargo hold ng Terranova, pinapalitan ito ng tubig dagat para hindi gumalaw o biglang umangat ang tanker na maaaring magresulta sa bagong problema.

Facebook Comments