Umabot na sa mahigit isang milyong litro ng pinaghalong langis at tubig dagat ang nakolekta sa lumubog na MTKR Terranova sa Manila Bay.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), kahapon ay nakakolekta ang kinontratang salvor na Harbor Star ng 129,292 litro ng langis.
Sa ngayon, nasa kabuuang 1,032,557.58 litro na ang nakuha at nasa 18,575 litro kada oras ang daloy ng oily waste na nakukuha.
Inilagay naman sa Orion Dockyard ang mga nakuhang oily waste bago dadalhin sa waste management facility sa Marilao, Bulacan.
Samantala, nagpapatuloy ang re-sealing at patching operations sa manhole at air vents ng isa pang lumubog na barko sa Bataan na MTKR Jason Bradley.
Facebook Comments