NAKONSENSYA | Isa sa tatlong suspek sa pagnanakaw ng dalawang ush urn, sumuko na

Manila, Philippines – Kusang sumuko sa mga otoridad ang isa sa tatlong suspek sa pagnanakaw ng dalawang ash urn sa loob ng Manila Memorial Park sa Parañaque.

Kinilala ang suspek na si Dionisio Layson, 30-anyos na dating caretaker sa nasabing himlayan.

Ayon kay Layson, inuusig siya ng kanyang konsensya kaya sumuko siya.


Pero iginiit nito na hindi siya mismo ang nagnakaw pero inamin nito na siya ang nagbenta sa dalawang urn dahil inutusan siya ng dalawang suspek na sina Louie Alday at isang nagngangalang Marvin.

Nakakulong na ang suspek habang handa itong makipagtulungan para sa ikahuhuli ng dalawa pang salarin. <#m_-45134674349544526_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments