NAKONSENSYA | Suspek na pumatay at naglibing sa kanyang kapatid sa Tigbao, Zamboanga del Sur, sumuko na

Zamboanga del Sur – Sumuko sa mga pulis ang isang suspek na nakapatay at naglibing sa kanyang kapatid Sa Barangay Longmot, Tigbao, Zamboanga del Sur.

Kinilala ang suspek na si Ronel Estrael Nano, 29-anyos.

Sa imbestigasyon, umawat lamang ang suspek sa away ng kanilang ama at kanyang kuya na si Jimboy Estrael Nano.


Nabatid na naagaw ng suspek ang itak na hawak ng kaniyang kuya kung saan ito ang kaniyang ginamit para patayin ito.

Pagkatapos ng nagawang krimen, agad inilibing ng suspek ang napatay niyang kapatid sa hindi kalayuang lugar.

Sinasabing hindi kinaya ng kaniyang konsensya ang dahilan kaya nagdesisyon ang suspek na kusang sumuko.

Facebook Comments