Pasig City – Hindi na nakapalag pa ang itinuturing na no. 9 most wanted ng Pasig City matapos itong makorner ng mga otoridad.
Nakilala ang suspek na si Sengki Reyes, na nahaharap sa kasong frustrated homicide.
Sinasabing isang Ryan Florez ang sinasak nito sa hindi malamang dahilan noong November 2014 sa Barangay Kapasigan kung saan swerteng nakaligtas ang biktima.
Bagaman at nahuli na, todo tanggi pa din si Reyes na siya ang sumaksak sa biktima saka iginiit na mistaken identity lamang ang nangyari.
Facebook Comments