Manila, Philippines – Natanggap na ni Senate President Tito Sotto III ang 5 na pahinang liham ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagsasagawa ng joint session sa Miyerkules na tatalakay sa hirit na pagpapalawig ng Martial Law at suspension ng privelegen of the writ of habeas corpus sa buong Mindanao.
Nakasaad sa liham na ang hiling na Martial Law Extension hanggang December 2019 ay base sa rekomendasyon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na siya ring Martial Law administrator.
Ipinagmalaki sa liham ng Pangulo na ang pag-iral ng Martial Law ay nagdulot ng pagkontrol sa rebelyon, pagpilay sa local terrorist groups, at pagpapabuti sa ekonomiya ng buong rehiyon.
Binigyang diin sa liham na ang pribadong sektor, local at regional peace and order councils at ang mga local government units mismo sa mindanao ang humihiling na mapalawig ang umiiral na batas militar.
Iginiit sa liham na nakaamba pa rin ang rebelyong isinusulong ng ibang ibang bandidong grupo at teroristang grupo kaya nasa panganib pa rin ang kaligtasan ng mamamayan.
Nakasaad sa liham na patunay nito ang naitalang 342 insidente ng karahasan sa mindanao mula January hanggang November ngayong taon.
Bukod pa dito ang 23 kaso ng pagsunod sa ibat ibang estbalisymento at pagpatay sa 87 sundalo at pagkasugat ng 408 na katao.
Patuloy din ang kaso ng pagdukot ng Abu Sayyaf Group.