NAKUKULANGAN | SGMA, hindi kuntento sa implementasyon ng gobyerno sa mga economic policies na inaprubahan ng kongreso

Manila Philippines – Nakukulangan si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa pagpapatupad ng gobyerno sa mga economic policies at laws na naisabatas ng Kongreso.

Ayon kay GMA, nagawa na ng Kamara na pagtibayin ang mga panukala na kasama sa legislative agenda ng Duterte administration.

Nagawa na rin aniyang mailatag ng mahusay ang mga policy framework ng gobyerno na suportado ng mahuhusay na batas.


Sinabi ni Speaker GMA na panahon na para tutukan ang implementasyon ng mga polisiyang binuo sa ilalim ng mga naipasang batas upang tuluyan nang mapakinabangan ng publiko.

Dapat na aniyang ipatupad ang mga ito sa nalalabing mahigit tatlong taong termino ni Pangulong Duterte.

Nakahanda na rin ang Kongreso na isakatuparan ang kanilang oversight functions upang matiyak na naipapatupad ng tama ng mga ahensya ang mga proyektong inaprubahan.

Facebook Comments