NAKULANGAN | Naunang rekomendasyon ng DENR at DILG kaugnay sa pagpapasara ng Boracay ibinalik ng Malacañang

Manila, Philippines – Nakulangan ang Palasyo ng Malacañang sa naging basehan o dahilan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa pagrerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipasara ang isla ng Boracay ng 6 na buwan.

Sa briefing sa Malacañang ay sinabi ni Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra na pinagsusumite pa nila ang DENR at ang DILG ng mas detalyadong rekomendasyon kung bakit kailangang ipasara ang nasabing isla.

Ngayong araw aniya inaasahan na nilang darating ang komprehensibong rekomendasyon at saka nila ito muling pagaaralan.


Sinabi naman ni Guevara na hindi pa niya nakakausap si Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing issue pero kilala naman aniya ang Pangulo bilang isang resonableng tao at tiyak na babalansehin nito anuman ang kanyang magiging desisyon sa nasabing usapin.

Facebook Comments