Manila, Philippines – Nakabalik na sa bansa ang Kingdom of Jesus Christ founder na si Apollo Quiboloy matapos makulong sa Hawaii.
Base sa ulat ng Honolulu News Agency na Hawaii News Now, nakitaan ng $350,000 o P18.2 milyon at mga parte ng mga armas sina Quiboloy at limang iba pang sakay ng isang private plane na papuntang Pilipinas galing Honolulu.
Inako naman ng isang kasamahan ni Quiboloy na si Felina Salinas, na isang U.S. citizen, na sa kaniya ang suitcase na may lamang mga perang nakasilid sa mga medyas.
Ang idineklara lang kasi ni Salinas na pera ay $40,000 lamang kaya kinasuhan siya ng attempted bulk cash smuggling.
Sa ilalim ng batas ng Amerika, kinakailangang ideklara ang pagdadala ng higit sa $10,000 palabas ng bansa.
Naiwan naman sa Hawaii ang private plane ni quiboloy.
Bukod sa pagiging religious leader, kilala din si Quiboloy bilang loyal supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte.
<#m_5434220304251027707_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>