NAKUMPISKA | 1.1 milyong pisong halaga ng iligal na droga, nasabat sa Barangay Calicanto, Batangas

Batangas – Nasa 1.1-milyong pisong halaga ng iligal na droga ang nasabat ng pulisya mula sa mag-iina sa Barangay Calicanto, Batangas.

Kinilala ang mga nadakip na sina Estelita Andal, 82-anyos; anak niyang sina Circoncicion Andal, 59-anyos at manugang na si Danilo Ramos, 32-anyos.

Ayon kay Supt. Sancho Celedio, hepe ng Batangas City Police – matagal nang nagtutulak ng iligal na droga si Estelita.


Ginagawa umano ng mga suspek ang transaksyon sa palengke.

Nasabat naman sa kanila ang 59 na sachet ng shabu at P15,000 na marked money.

Facebook Comments