Manila, Philippines – Nakumpiska ng mga tauhan ng Manila Police District ang pitong kilo ng shabu na na nagkakahalaga ng 47.6 milyong piso sa kanilang ikinasang buy bust operation sa Brgy 779, Zone 57 San Andres Bukid Maynila.
Ang mga nakumpiskang shabu ay iprinisenta ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde sa media sa Camp Crame Quezon City.
Ayon kay Albayalde bukod sa pagkakakumpiska sa mga shabu ay naaresto rin ang isang suspek na kinilalang si Joshir Bernardo Alyas JS.
Si Bernardo ayon sa imbestigasyon ng pulisya ay may koneksyon sa druglord na si Loloy Hernandez na ngayon nakakulong sa Taguig City Jail.
Nagooperate ang kanilang grupo sa Metro Manila at CALABARZON.
Narekober sa suspek sa isinagawang operasyon ng isang cellphone at sasakyan na Nissan Cefiro na kulay gray at may plate nos na XSA 507.
Nakatakda nang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.