NAKUMPISKA | Higit P120-million na halaga ng shabu, nasabat ng BOC sa Clark Freeport Zone

Pampanga – Nasa higit 120-milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat ng Bureau of Customs (boc) sa Clark Freeport Zone sa Pampanga.

Ayon sa BOC – galing California ang shipment na naglalaman ng 17.7 kilo ng shabu at itinago sa mga chair at bar stools.

Kinilala ang mga consignee nito na sina Christian Santillan Frias, Robert Alejandro Nazareno at Dominic Espinosa Gallardo ng Quezon City; at si Gina Fernandez santiago ng Taguig.


Padala umano ito nina Rania Frias, Maria Nazareno, Vanessa Gallardo at Rania Fernandez.

Hinala ni Commissioner Isidro Lapeña – bahagi ng international drug cartels ang sender ng mga package na sinusubukang ipuslit sa Port of Clark matapos magpatupad ang BOC ng mas mahigpit na inspeksyon sa NAIA.

Facebook Comments