NAKUMPISKA | Milyong pisong halaga ng shabu, nasabat sa Maynila

15

Tinatayang aabot sa 3.4 million pesos ang halaga ng shabu na nasabat mula sa isang19 anyos na lalaki, makaraang magsagawa ng drug buy bust operation ang Philippine Drug Enforcement Agency sa isang parking lot sa Kalaw, Maynila.

Base sa inisyal na imbestigasyon, 1:45 ngayong hapon nang ikasa ang operasyon laban sa suspect na kinilalang si Junior Manibpel, na residente ng Quezon City.

Nakuha mula sa suspect ang isang bag o tinatayang nasa 500 gramo ng hinihinalang shabu.

Hinahainan na ito ngayon ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comrehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments